Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

コピーしないでください!

Friday, October 26, 2012

Hacking and Cyber-bullying: My Own Experience

Source

Naranasan na ba ninyo na makabasa ng mga comments na hindi kanais-nais? Nagulat na ba kayo na isang araw, hindi na ninyo ma-access ang account ninyo sa kahit anong site tulad ng Facebook, Yahoo at MSN? Nakatanggap na ba kayo ng text message na nagbabanta na baka mawala ang account ninyo?
May nakapagsabi na ba sa inyo na nabi-view niya ang “Friends' List” ninyo kahit naka-private ang inyong account? May nanggulo na ba sa inyong mga kaibigan online? Kung oo ang sagot ninyo sa mga tanong ko, hindi pala ako nag-iisa.


Naranasan ko ito noong uso pa ang Friendster sa Pilipinas
Source
at nahuhumaling pa ang mga netizens sa pagpapaganda ng background at paramihan ng comments/testimonials. Ito ang panahon na hindi pa nauuso ang farmville, yoville at kung anu-ano pang larong kinalokohan natin. At huwag ka, tatlong beses na-hack ang Friendster account ko. Opo, tatlong beses! Pagkatapos niyang i-hack ang isa, gumawa ulit ako ng isa, and so on. At hindi lang iyan, pati ang kauna-unahan kong Facebook account, yahoo, MSN at Myspace accounts ay na-hack rin. Gumawa pa siya ng isang public account sa Friendster kung saan naka-post ang mga paninira at masasakit na salita laban sa akin at sa pamilya ko, in-add nya ang ilan sa mga kaibigan ko. At hindi lang iyan, suki siya ng “Who's Viewed Me?” at gumamit pa ng iba't ibang accounts. At ang masakit pa, isang araw, sinabi ng dati kong estudyante sa Korea na may nag-email raw sa kanya at nagsabi na nang-agaw raw ako ng asawa. Wow!


Paano ko nalaman na siya 'yun? Simple lang. Bago pa nawala sa Internet ang accounts ko, ginugulo na nya hindi lang ako kundi pati ang pamilya at mga kaibigan ko sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono at pagti-text kahit dis-oras ng gabi. Kung paano niya nalaman kung ano ang cell number at email ko, iyan ang hanggang ngayon ay hindi ko alam. Habang ginugulo niya kami sa cell phone, gumagawa siya ng eksena online. At bago nawala ang pangatlong FS account ko, pinagbantaan niya ako. Ayaw n'yong maniwala? Eto o:






Pahirapan pa sa pagkopya nyan kasi lumang model ang cell phone ko kaya't mano-mano ; ingat na ingat ako; kailangang wala akong ma-miss kahit punctuation marks. Base sa mga messages na iyan, malalaman n'yo kung ano ang problema niya. Pero yokong i-expose sa madla kung sino ang taong iyan dahil pinoprotektahan ko rin naman siya. Pero, hanggang ngayon, naka-save sa email ko ang lahat ng mga texts, emails, at screenshots ng mga comments niya sa Friendster laban sa akin. Ewan ko kung bakit hindi ko magawang burahin sa email ko ang mga 'yan; may pakiramdam akong magku-krus muli ang mga landas namin dahil mayroon kaming common friends.


Sayang ang mga testimonials at comments, pati ang mga pictures na in-upload ko roon. Sayang, hindi ako nakapag-save ng backup copies ng mga online contacts ko. Masyado kasi akong nagtiwala; alam kong may mga kaso ng hacking pero hindi ko akalain na mararanasan ko iyon, at hindi ko akalaing magiging ganito ka-grabe. Masyado kasi akong natuwa sa kasi sa kauna-unahang pagkakataon, natuto akong gumamit ng email at sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ulit kami ng connection ng mga dati kong kaklase at katrabaho. Inaamin kong hindi ako techy, at hindi ako makagagawa ng mga online accounts kung hindi lang pina-assignment sa amin ng prof namin sa Computer.
This usually appears when your user name/password do not match. Source
Not only that! Nagawa niya ring i-access ang iba ko pang mga accounts. Natuwa kasi ako masyado sa Multiply, Myspace, Fanbox, Yahoo messenger, MSN at meron akong accounts sa mga 'yan, pero hin-ack nyang lahat. Oo, lahat, pati ang kauna-unahang Facebook account ko.

Dahil sa nangyari sa akin noon, naisip ko na sana may batas sa Pilipinas na magpo-protekta sa atin laban sa mga hackers, laban sa mga mapanirang posts. Dahil sa nangyari sa akin, naging paranoid ako. Basta hindi ko kakilala, block na agad. Kaya minsan, katrabaho o dati ko palang kaklase yun na gumamit ng ibang username. Ngayon, masasabi ba natin na hindi natin kailangan ang Cybercrime Prevention Law?


Oo, para sa iba, mababaw ang rason ko. Pictures lang naman 'yun. Para Friendster o Facebook account lang. Pero hindi eh. Na-traumatized ako. Pakiramdam ko, may mga matang laging nakatingin sa akin saanman ako pumunta at anuman ang ginagawa ko. Iyan din ang rason kung bakit hindi ko magawang mag-online banking o online shopping. Kung nagawa nga niyang i-access ang social networking site, paano pa kaya ang bank accounts ko? Kung nagawa niya akong biktimahin, magagawa at magagawa niya ito sa ibang tao.

Alam kong marami ang tumututol sa RA 10175, pero ang sa akin lang, lahat naman ng batas ay may pros and cons. Sabi nga eh, “A coin always has two sides”. Oo, tulad ninyo, may parte rin ng batas na ito na kinaaayawan ko. Pero ganito lang 'yan eh. Kung magpo-post ka online, dapat kaya mong panindigan at patunayan. Hindi 'yung trip mo lang. Hindi 'yung "eto kasi ang trend eh". Huwag nating gamitin ang Internet upang guluhinat sirain ang reputasyon ng isang tao dahil aminin man natin o hindi, napakabilis kumalat ng impormasyon sa cyberworld, ang isang click ng mouse ay maaaring magdulot ng hindi maganda sa isang tao. Kung dati, "A pen is mightier than a sword", ngayon, "Internet is more powerful than a pen". Maging responsible. May karapatan tayong ipahayag kung anuman ang saloobin natin pero hindi kasama dito ang paninirang-puri, pambu-bully at pangha-hack. Alalahanin natin na may karapatan din ang ibang tao na pangalagaan ang kanilang privacy, at lahat ng karapatan ay may katumbas na tungkulin.


(Author's note: This is just about cyber-bullying and hacking issues. The author did not write about other online concerns because this entry was based on her experience. Thank you!)
 

1 comment:

  1. It is an absolute right and a highly accessible format however, it is also the easiest means of communication which makes "things" ever so convenient.Given that, there is also the necessity for every one's protection because such "power" can be played on, preyed upon, abused, exploited and can put someone's life in total chaos and jeopardy. Being responsible with this power is only part of the territory but protection should complete the whole transactional/technological feed.

    ReplyDelete