Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

コピーしないでください!

Tuesday, November 20, 2012

Si Ate Guard, Si Amalayer at Ako

 
Noong isang linggo, mayroon na namang video na kumalat nang napakabilis sa cyberworld. Sa videong ito makikita natin ang isang estudyanteng naka-nine tail mode sa galit at isang lady guard. Siguradong alam n'yo na ang kuwento pero para sa iba na hindi pa nakakaalam,
i-Google n'yo lang ang salitang Amalayer at tiyak na malalaman n'yo na ang buong kuwento. At dahil hinihingi ng iba ang opinyon ko, heto at isinulat ko na.
from yahoo.com.ph


No Inspection, No Entry.

Nakakainis nga naman talaga kung nagmamadali ka at napakahaba ng pila sa sa harap ng guard hindi ba? Lalo na kung pagkatapos pumila sa entrance, pipila ka ulit para bumili ng magnetic card. Pero, hindi ba't nariyan ang guards para matiyak ang safety and security ng mga pasahero? Alam n'yo, paranoid na kung paranoid pero, minsan iniisip kong may chance na makapasok ang isang terorista sa loob tuwing sasakay ako ng LRT o papasok sa loob ng isang establisimiyento. Alalahanin natin ang nangyari sa Blumentritt station more than ten years ago.Iyan ang rason kung bakit mas gusto ko pang pumila nang matagal para sa inspection. Nakakainis lang kasi minsan, may mga guards na kuntento lang sa pasilip-silip, pasungkit-sungkit at pakapa-kapa lang. Kung puwede ngang bulatlatin lahat-- secret pockets, wallet, pouch, baunan. Bakit? Kung may dala kang deadly weapon, magpapahuli ka ba? Siyempre hindi! Syempre itatago at itatago mo 'yun sa area na ikaw lang ang makakaalam.

Hindi natin alam kung kailan darating ang sakuna, hindi ba? Bear with no inspection, no entry policy. 

Nagkamali lang siguro ang babaeng estudyante ng pinasukan.

Sabi ng iba, ang tagal na niya (student) sumasakay sa LRT, hindi pa niya alam ang gagawin? Puwede bang nagmamadali lang, or she was just having a bad day at that time or parang katulad ko lang na minsan lumilipad ang utak. Lahat naman, nagkakamali. Eh ikaw? Kung babae ka, huwag mong sabihing ni isang beses sa buong buhay mo ay hindi ka nakapasok sa CR na panlalaki. Huwag mong sabihing kahit isang beses sa buhay mo, hindi mo naipagpalit ang entrance at exit sa isang mall. At lalong hindi ako maniniwala na kahit isang beses sa buhay mo, hindi ka nakarinig ng "I'm sorry but you dialed a wrong number".

Walang breeding.

Most of the posts that I read were criticizing Paula's behavior. Sabi sa mga posts, wala siyang karapatan na sigaw-sigawan ang sinuman lalo na sa public places. Maraming beses nang nangyari ito eh, I mean, marami nang may nai-report na nanigaw o nanakit ng ibang tao sa pampublikong lugar. Dapat daw ina-apply ang GMRC kahit galit ka pa. Tama naman, hindi ba? Pero ang tanong, ikaw na bumabasa nito, kaya mo bang maging kampante sa lahat ng oras? Eh ang mga netizens na kung anu-anong pang-aalipusta ang binabato kay Paula, anong masasabi ninyo? Alam n'yo, hindi n'yo rin kasi masasabi na magiging kalmado ka sa lahat ng oras.  Marami pa riyan na mas matindi pa ang ginawa in public places at isa na ako roon (noon, buti na lang nagbago ako bago pa naimbento ang camcorder/ digicam). Malas mo na lang kung nahuli ka, magiging instant Internet sensation ka. At hindi lang iyang ang reward na matatanggap mo; magkakaroon ka pa ng samu't saring alias gaya ng "walang breeding", "walang pinag-aralan" "palingkera" at kung anu-ano pa.

Sabi niya, the lady guard grabbed her and shouted at her. Proper decorum din ba ito ng isang security guard? Hiningi ko ang opinyon ng kaibigan kong gwardiya, at ang sabi niya, kapag naka-assign sila sa inspection area, ang pangga-grab at paninigaw sa isang customer/passenger/passers-by ay isang paglabag sa protocol except for some reasons tulad ng pagpapakita ng intensiyon na gambalain ang security ng area na binabantayan.

Pa-English-English ka pa kasi.Para ano?

The reason why I wrote this entry in Taglish. Hahaha! Hindi lang 'yung pagsigaw niya ang umani ng criticisms, kundi pati ang pagtaas ng boses niya using ENGLISH. Eh ano namang masama kung nag-English siya? Alin ang kapuna-puna: pronunciation, accent, grammar?  Bakit kaya kailangan nating mag-English eh Pinoy nga naman tayo? Magiging issue ba ito kung gumamit ng wikang Filipino si Paula? Kung “Ngayon gusto mong palabasin, sinungaling ako? Sinungaling ako?” ang sinabi nya imbes na "So now you're making me look like a liar? I'm a liar?", magiging “big deal” ba ang nangyari?

I don't know kung anong meron sa English at bakit may mga taong kapag nagagalit o nakikipag-away eh gumagaling sa pagsasalita nito, pero nanginginig naman kung nakikipag-usap sa foreigners.

Naalala ko tuloy yung ex-friend ng nanay ko. Ex-friend, kasi hindi na sila magkaibigan. May ugali kasi ang taong ito na tuwing makikipag-away siya, English ang ginagamit niyang salita. At ewan ko ba, sa lahat ng mga inaway niya, wala man lang naglakas-loob na tapatan siya; makikita mo na lang na nganga o umiiyak ang mga ito, kaya lumaki ang ulo ng ex-friend ng nanay ko. Naitanong ko nga sa sarili ko kung bakit walang pumapalag sa kanya, eh hindi naman sa panlalait, pero mali-mali naman ang grammar at pronunciation niya eh. Bilib lang ako sa confidence niya.

Pero dumating ang araw na nakahanap siya ng katapat---kami ng kapatid ko. Tama ba naman na makisali siya sa gulo ng anak niya at ng kapatid ko eh ang tanda na niya kaya! At hindi lang iyan, dinamay at ininsulto pa niya ang mga magulang namin. Simpleng mga tao lang naman ang parents ko at hindi sila mahilig mag-English. Nakita yata ni ex-friend ang weakness ng parents ko so hayun, ang lupit mag-English, in a loud voice pa. Sinabihan ko siya na “ Ate, huwag ka namang magsisigaw, you're supposed to be a teacher” (dahil Kindergarten teacher siya). And she said “ I am a teacher. YES AM I!” Ako naman si mapang-asar “YES AM I? Baka YES I AM. Teh ayusin mo naman ang English mo!” At ewan ko ba kung kaninong baul ko hinugot ang English skill ko noong araw na iyon, basta namalayan ko na lang na tuloy-tuloy na pala ang pagsasalita ko using English. Ayun, siya naman ang napa-nganga. Kasi di ba? Anong gusto niyang palabasin? Porke't nakakapag-English eh superior na siya? Ganoon ba 'yun? Porke't walang pumapalag, gano'n na lang kung maliitin niya ang ibang tao? 'Wag gano'n, teh!



Wala namang problema sa paggamit ng English, basta inilulugar. Puwede mo bang sabihing “Gramps/ brother, can you give me one fertilized duck embryo?” sa isang nagtitinda ng Balut? Puwede ka bang magsabi ng "Ate, do you sell lettuce?" sa isang tindera sa palengke? Baka sagutin ka pa n'ya ng "letsugas ang tawag dun ineng, LET-SU-GAS, hindi LE-TUS!"

Nasisiyahan ka ba kapag nag-i- English ka at nganga lang ang sagot sa iyo ng kausap mo? Para ano? Anong gusto mong patunayan? Baka mamaya, akala mo lang hindi siya marunong mag-English tapos sagutin ka using highfalutin words, dumugo pa ang ilong mo.

Ate, may pinag-aralan akong tao. We know, right? Naka-uniform ka pa nga eh. Na-misinterpret ka tuloy. Para kasi sa iba, ito ay statement ng pagiging mayabang. Sa mga nakarinig at nakabasa, ito ay isang statement ng pangmamaliit. Para sa ibang tao, equivalent ito ng "ate, may pinag-aralan akong tao, hindi katulad mo na guwardiya lang". Hindi natin puwedeng husgahan ang pinag-aralan ng isang tao base sa klase ng trabaho meron siya. May mga graduate ng four-year courses na piniling magkaroon ng ibang trabaho. May kaibigan akong nagtrabaho bilang security guard sa isang mall dahil naghahanda sa Criminology Licensure Exam.

Pero puwede rin namang katumbas ito ng "Ate, may pinag-aralan akong tao. Hindi mo na ako kailangang hilahin". Hindi natin alam, hindi ba? Minsan kasi, isang statement lang natin, iba na ang pagkakaunawa ng ibang tao.


Kung lalaki ang guard, magiging issue kaya ito?

Sabi sa statement ni Paula, hinila siya sa braso "Sabi ko, bakit? You have no right to drag me! Nagagalit ako kasi she grabbed me!" Dagdag pa niya, nagkaroon pa siya ng pasa sa braso. Kung totoo man ito o hindi, wala man lang nagbigay ng statement para suportahan siya. Kung lalaki ang guard, masisisi ba si Paula kung nagsisigaw siya sa galit?


"I dont know the side of the story but some Bystander told me na sinita siya ng Lady Guard kasi mali ang pinasukan niyang way but the passengers behavior surprised me.."

Aray! If she were not around when a certain Gregory Llamoso was about to leave the train station and there had been another incident which had caught this guy's attention, would he also say “I don't know the side of the story?” Will he also upload and spread the video? Hindi mo pala alam ang buong kuwento eh bakit nag-upload ka ng video na alam mo na puwedeng maging kasiraan ng isang tao? Maging responsable naman sana tayo sa pag-upload ng mga videos at pictures sa internet , hindi 'yung bara-bara lang.  What if somebody did something wrong which made you lose your temper and another person uploaded it, how would you feel? Buti na lang, hindi mo nakuhaan ng video ang pagsampal ko sa taong sumira sa pagkatao ko sa Internet kasi tao lang ako na nanggigigil din sa galit paminsan-minsan. Kung nakunan iyon ng video, laking tuwa siguro ng babaeng 'yun. Biruin mo, kung may nakakuha ng video, nasira na niya ang pagkatao ko sa social networking site, nakahanap pa siya ng kakampi. Buti na lang pala nagbago na ako.
Mabuti sana kung may nakakuha ng video ng buong pangyayari, yung mula sa umpisa, para hindi mukhang biased, para bahala na ang taong mag-isip kung sino ang dapat sisihin. Teka, bakit walang inilabas nag video ang LRT, di ba may CCTV?

"Pag hindi ako nag-sorry papatanggal niya ako. Pagluhod daw ako sa harap ng pasahero, yan gusto niya kailangan marinig ng pasahero."


Ewan ko ha pero para sa akin, sobra naman ito. Hindi ko kinakampihan ang sinuman sa kanila dahil wala naman ako sa lugar na iyon nang nangyari iyon, pero sa tingin ko, hindi ito magagawang sabihin ng kahit sinong pasahero except na lang kung ang pasahero ay maimpluwensiya o kamag-anak ng isang high-ranking official. Ang sagot pa nga niya, maghahain lang siya ng demanda sa taong nag-upload ng video "kung may tutulong sa akin."
(http://www.gmanetwork.com/news/story/282717/news/metromanila/amalayer-girl-seeks-face-to-face-with-lrt-guard) Ibig-sabihin nito, wala siyang sapat na kapangyarihan at hindi maimpluwensiya ang pamilya niya para utusan ang guwardiya na lumuhod at mag-sorry. Wala siyang sapat na salapi para bigyan ng reward ang sinumang tutulong sa kanya.

Pansintabi lang po sa iba ha, pero minsan kasi may ilang gwardiya ring mapang-trip. I repeat, sabi ko po MAY ILAN, hindi LAHAT.  Siguro dahil may mood swings, puyat,pagod o inis na rin sa mga pasahero. May mga guards naman na kung makapagpamadali at makasigaw sa pasahero, wagas. Minsan, may mga maaangas pa. Naalala ko tuloy 'yung kasabihan ng mga bata na "Mayabang; may baril!" At kapag nariyan ang superior nila, ang babait!

May mga guards din na walang pakialam, yun bang buksan ko man o hindi, deadma. Ewan ko, nagagandahan ba sa akin o dahil sa pagod na sila, o baka naman tiwala sila na hindi ako magdadala ng pampasabog. 

Sino ba ang dapat sisihin sa pangyayari?
Si Ate Guard ba o si Ate Paula? Ang nag-upload ba? O tayong mga netizens? Minsan kasi, ang dali nating pumuna sa mali ng iba. Like na lang nang like, share na lang nang share. Hindi ba natin naiisip na pwede naman nating ibalato sa dalawa ang nangyari? Minsan kasi, kahit napakasimpleng bagay, nagiging kumplikado dahil maraming nakikisali. Ayun, dahil lang sa isang video, nasira ang kredibilidad ng taong nasangkot. Para yang puting T-shirt na nalagyan ng kaunting mantsa. Hindi ba, kadalasan, kahit puting-puti ang T-shirt, 'yung kaliit-liitang mantsa ang napapansin natin? Oh well, ganun talaga. Kahit gaano ka kabait at minsan ka lang naging salbahe, salbahe ka pa rin.

BE HUMBLE AND CONTROL YOUR TEMPER AT ALL TIMES.
Alam kong mahirap mag-kontrol lalo na kung ang isang tao ay likas na mainitin ang ulo, pero naniniwala ako na wala namang hindi nadadaan sa mabuting usapan. Isa pa, minsan kasi o madalas, nahuhusgahan kung anong klaseng pamilya meron tayo o kung paano tayo pinalaki ng parents natin base kung paano tayo kumilos sa harap ng maraming tao. Isipin din natin 'yun.

WE ARE LIVING IN A DIGITAL WORLD.
Mag-ingat sa mga tao sa paligid. Hindi natin alam kung sino sa kanila ang magpapasikat sa atin, sa maling paraan.

Learn to address your concern to proper authorities. Kagaya nung bastos na service crew na nag-serve sa amin ng kaibigan ko. Hayun, napuno ako, kaya dineretso ko ang email ko sa Customer Service.
Kapag naka-encounter tayo ng bastos na staff, alamin ang pangalan at i-report na lang kesa magpadala sa galit at tayo pa ang maging masama sa bandang huli.
Pero kung gagawin natin 'to, let's just pray na hindi sila magkampihan sa loob dahil hindi lahat ng Management ay handang makinig sa complainant. Minsan kasi, ikaw na ang naagrabyado, ikaw pa ang lalabas na masama dahil nagpadala ka sa init ng ulo.

Well, marami pang points to ponder from that issue, pero basahin n'yo na lang sa ibang blog sites. Ito po ay opinyon ko lang naman. May iba't ibang opinyon ang mga tao.

So now you're telling me that I'm a liar? No, I'm a teacher and a writer wannabe. He! He! He!


No comments:

Post a Comment