Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

コピーしないでください!

Monday, August 12, 2013

"RANT-dom" Thoughts


Ang post na ito ay tungkol sa iba't ibang eksena na hindi ako nakaka-relate, pinipilit kong maka-relate, at ewan! Ha! Ha!


FIBA. Hindi talaga ako maka-relate sa basketball. Oo, may mga kilala akong basketball players, thanks to my father who is an avid fan of PBA. Michael Jordan, syempre, ay teka NBA player yata to! And yes, kilala ko naman sina Shaq, Allen Iverson (pinagsamang pangalan ko and pangalan ng ex-crush ko :D) Lebron and others. Pero alam n'yo ang masaya diyan, inabangan ko ang result ng FIBA 2013 via Facebook, dahil buong weekend naka-Nintendo 3DS lang ako, wifi. Inabangan ko talaga ang result kasi sinabi ko kasi sa Korean student ko na “I know your team will lose because Filipinos are good at basketball.” Eh totoo naman, di ba?

The sex video. Kahit isipin ko pa ng maraming beses, hindi ko talaga naiintindihan kung bakit kailangan talagang i-video ang intimate moments. Trip lang? Pampagana? Memorabilia? Isipin mo na lang na kahit anong pag-iingat mo sa mga gamit mo, may posibilidad talaga na manakaw ang mga 'yan. Eh ganoon talaga eh. Kahit saan may “Ben Stealer”, so ingat lang. Don't cry foul kasi at the moment na ni-record mo yan, dapat naisip mo nang puwede 'yang ma-access ng iba.

At ikaw namang nag-upload, anong magandang napala mo sa ginawa mo? Ayan, kumalat na ang video, masaya ka na? Ayan, kung sinu-sino na ang nanood at nag-share ng video, nanlait at pumuri sa dalawang taong involved, at marami ring na-curious kung sino ka talaga. O kayo, kasi puwedeng marami kayo. Mind your own business. Ay ambot!

Ang tag-ulan. Kaaway ko talaga ang tag-ulan. Oo nga, masarap matulog pero para lang 'yan sa ibang tao. Para sa tulad kong nakabase sa ibang bansa ang trabaho, rain or shine, kailangang magtrabaho. Kailangan ko pang umalis ng bahay ng wala pang alas-kuwatro para hindi ma-late. Kagabi, sinigawan ko ang asawa ko sa inis. Tuwang-tuwa ba naman ang loko nang in-announce sa gmanews.tv na walang pasok sa private at public elementary and secondary schools sa buong Metro Manila, samantalang namomroblema ako kung paano ako makakapasok kinabukasan. Ayoko na rin naman na i-post ang pagkainis ko sa blog na ito gaya ng nangyari last year. Kainis, di ba?


Ang mga taong panay sabing “mauunahan ka ni ___. Baka mauna pa 'yang magkaanak kesa sa 'yo.” Unang-na, nakikipag-unahan ba ako? Contest ba ang paggawa ng bata? Pwes kung oo, puwede bang mag-set ng criteria at mag-designate ng staff (judge, scorer, bantay) at mag-establish ng rules like anong position, ilang rounds, sinong magtatrabaho para fair ang labanan? Pangalawa, anong paki mo kung matanda na ako bago ako magkaanak, makunat na ako, baka hindi na or baka mahirapan kaming makabuo, at baka matanda na ako paglabas ng anak ko? Bakit mas alam mo, Diyos ka ba? Alam mo ba ang mga pinagdadaanan naming mag-asawa? Pareho ba tayo ng kalagayan sa buhay? Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdadaanan ko at ng asawa ko at hindi porke't applicable kay ganito at ganyan ay applicable na rin sa kalagayan ko. At pangatlo, ikaw ba ang mamomroblema 'pag nanganak ako nang walang pera? Ikaw ba ang magbabayad ng renta, ng utilities habang nagpapagamot at nag-iipon pambili ng house and lot? Pang-apat, nakakainis 'yung mga taong nagsasabing “Oy akala ko ba gusto n'yo na? Wala akong sinabing GUSTO KO NA. Ang sabi ko, GUSTO KONG MAGKAANAK, PERO HUWAG NGAYON. Huwag ora-orada. Malaki ang pinagkaiba ng 'gusto ko na" sa "gusto ko". Panay sabing naghihirap ang Pilipinas, hindi naman nilulugar ang paggawa ng bata. Puwede ba!

Ang aga-aga, ito agad ang post ko.
End rant.

No comments:

Post a Comment